Saturday, September 15, 2007
Isang Paghihimutok
Naninikip ang aking puso. Pilit binubuksan ng tadhana ang malalalim na sugat, na akala ko'y natikom na. Di ko alam kung bakit masakit. Di ko alam kung maniniwala pa ako. Mahirap umibig ng malayo. Bawat gabi, tinatanong ko na lang sa sarili ko kung tama bang nandito pa ako. Sana may tapang pa kong harapin ang bukas. Kung hindi ka para sa habambuhay, sana malaman ko na ngayon. At sana maging gabay itong pagsisisi at paghihinagpis sa mga nararating na panahon. Ang hirap talaga pag di ko naririnig ang tinig mo. Tuwing kausap kita, parang mas kalmado ako. Kaso hanggang kailan tayo magiging ganito? Bukas? Sa isang taon? Sa totoo lang, nakakapagod. Nagbabadya nang lumipad ang damdaming inaaruga ng puso. Landas ko'y napapariwara. Bakit ang hirap umibig ng wala?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment